Usapang patay.
Ang laki ng nagiging problema ng mga tao kapag namamatayan. Siyempre, pera ang ugat lagi. Namomroblema ka na nga sa pera nung buhay ka, mamomroblema pa ang pamilya mo ulit sa perang pampalibing sa iyo. Siguro mas unfair ang feeling pa ng mga taong pinatay dahil rin sa pera.
Totoo nga sigurong "Money makes the world go round." Unti-unti na akong naniniwala. Minsan, naiisip ko na sana nabuhay na lang tayo sa trading ng snails and seashells. Less complicated pa siguro ang buhay.
Highschool film project namin nung third year sa napaka-demanding na Reading subject (na btw, elective pala siya) ay tungkol sa patay. Yun ang napili naming topic. Pumunta kami sa Forest Hills sa may Bayan. Funeraria/morgue ata siya.
Ako ang humahawak ng camera, at aaminin kong takot akong lumapit sa mga kabaong. Lalo na kapag may taong nasa loob na ito. Iniisip ko kasing baka bumangon bigla yung patay. Malakas ang loob kong sumilip sa kabaong kapag may taong nakatayo sa harap ko. At least kung meron mang sasakalin yung bumangong patay, siya at hindi ako hehehe.
Anyways, noon lang ako nakakita ng napakaraming kabaong. Sinabi din nila ang mga presyo at alam ko mahal silang lahat. Dinala din nila kami sa morgue, at hindi naman gaanong nakakatakot sa partikular na morgueng ito. Okay lang, hindi tulad ng laging dine-depict sa pelikula at tv shows (unless minsan ginagamit ang morgue for a dramatic scene, tulad ng iiyak ang ang babae sa namatay na boypren na nakahiga roon).
Ininterbyu din namin yung embalsamador, na hindi ko masyado marinig ang sinasabi niya dahil kinukunan ko siya. At medyo malayo ang kuha namin dahil ayaw niya i-reveal ang gwapo niyang mukha (no sarcasm intended).
Mayroon pa ata kaming isang pinuntahang funeraria, di ko lang maalala. Accomodating sila parehas at dahil gusto nila kaming tulungan sa project namin, nagbigay pa sila ng bonus sa amin: isang "How to Make-up the Dead" home video hehehe (God bless the soul).
Gabi ng Valentine's Day, magkakasama rin kaming magkakabarkada/groupmates sa sementeryo. Mag-go-ghost hunting pa nga sana kami. What a great way to celebrate the day of love. Shooting pa rin siyempre. Masaya at sana maulit uli namin sa susunod na Valentine's Day.
Natapos namin ang project, at nagustuhan naman siya ng teacher namin. Pinagalitan nga lang ako ng Nanay ko kasi nagamit ko ang pictures namin para sa opening ng pelikula. Inakala niyang yun ang mga taong namatay when it was supposed to show man's growing periods. Pero kung sa bagay, after namin i-edit parang ganoon ang naging kalabasan. Palpak talaga.
Minsan, kwentuhan namin dati ng roommates ko sa Men's Dorm (Oo, yun ang pangalan niya, pero co-ed na siya nun) kung ano ang gusto naming burol at saka pagpapalibing.
Hindi ko malimutan ang sagot ni Karen, gusto niya Hawaiian ang theme - with matching flower garlands at lahat dapat naka-grass skirt. Gusto niya lahat ng tao masaya at kapag i-eembalsamo siya, gusto niya unique position at nakangiti siya.
Kahit naman ako, magkaroon ng ganoong burol, hindi ko mapipigilan ang sarili kong tumawa at maging masaya. Pero siyempre, biro lang niya yun. Kahit na paulit-ulit niyang sinasabi yun,malay natin balang araw ganun nga ang maging motif. :)
Tuwing Abril nagbabakasyon kami sa Cavite, pista kasi. At dahil malapit lang ang mga sementeryo, uso pa ang iminamartsa ang patay. Isang beses, may inilakad na patay sa harapan namin, kumpleto sa bandang musiko, mga kamag-anak na umiiyak at siyempre ung karo ng patay.
Nakakalungkot na sana kung hindi ko lang na-recognize yung tinutugtog ng banda na paboritong kanta daw nung patay."My heart goes SHALALALALA... (plak-plak-plak)" Hay, ang Pilipino nga naman. Astig talaga. :)
Kung ako ang tatanungin, hindi pa rin ako desidido kung ano ang gusto ko mangyari sa katawan ko kapag namatay ako. Sabi ko sa Nanay ko, kapag namatay ako, gusto ko i-ke-cremate tapos ililibing. Get the best of both worlds, ika nga. Kaya lang, parang natatakot ako na ipasunog ang katawan ko. Ano kaya ang mararamdaman ng kaluluwa ko nun?
But most of all, I'm sure na gusto kong bibisitahin ang labi ko. Kahit tirikan lang ng kandila sa November 1 at birthday ko. Para naman at least may nakakaalala sa akin. Kaunting linis lang at pintura okay na sa akin yun. Ayoko namang magpatayo ng napakalaking mansion para lang doon ilagay ang aking remains. Busy na ko. Mahal. Gamitin na lang ang pera para sa mga taong buhay pa. Mapapakain pa noon ang ilang pamilya.
For now, I am considering mummification. Hmm... Pwede rin! Makapag-search nga sa net kung available ang mummification sa Pinas. Para makapag-ipon ng maaga para sa future corpse ko hehehe.
Uso na rin pala ang mga Columbarium ngayon... Decisions decisions decisions.
Mahirap daw ang mabuhay. Mahirap pa din kapag namatay. Hay naman talaga.