This was a writing exercise we made during our LAYB facilitators workshop. LAYB is the pseudo-organization I was, or am, a part of back in college. Sir Dums and Sir Aguinaldo would give us these topics that we could write about and probably evolve them into poems or maybe short stories, although our workshop mainly concentrates on poems. Those were the good, and hope not gone, writing days of my life.
This is for my Ninang Betty. Today is her death anniversary. It's been years now, but I guess there are just some things you can't let go and can't stop yourself from looking back at.
We were asked to write about this topic:
"Place na maire-relate mo sa taong nawala / namatay sa buhay mo..."
Hindi ko nakikita ang beach o dalampasigan noon bilang lugar na palaging pinag-shu-shootingan ng mga pelikulang mala-Bagets o di kaya'y Oki Doki Doc, o Home Along Da Riles. Walang mga tineydyer na lalaking sumasayaw sa tugtog ng "Buttercup" o di kaya'y nagpapasa-pasahan ng makulay na beach ball. Walang back-up dancers na nagso-somersault sa swimming pool.
Ikaw lang ang nakikita ko. Hinahabol ang isang limang-taong gulang na batang naka-pink na swimsuit. Hahabulin mo siya sa tubig, kahit pa mabasa ang paborito mong jeans. Baka kasi malunod ang mataray mong pamangkin.
Aakayin mo siya mula sa tubig at bubuo kayo ng mga kastilyong buhangin. Di kalayuan, ihahanda ng iba pa ang adobong ulam at mga chichiryang galing sa tindahan ni Aling Mylene. Mula alas-siyete ng umaga'y hindi kayo magsasawang magtampisaw, kahit masunog pa ang balat pagdating ng alas-dose.
Subalit tulad ng sunburn, nawawala din ito; natutuklap ang balat at napapalitan ng bago. Mula sa gulang na lima, at ngayo'y disinueve na ako, wala ka na sa tabi ko. Natuklap ka mula sa isang buhay, sa aking pagkabatang iyong pinuno. Ang buhangin ng iyong buhay ay inanod na ng maalat na dagat ng kanser.
Nami-miss na kita Ninang Betty.