Saturday, December 04, 2004

who wants a piece of the wedding cake?

Saturday, December 04, 2004
come in!


i know i don't.




Friends often "condemn" me for saying that I don't want to get married someday. They would always insist that I'll get to eat my words someday. Maybe my idea of the word "marriage" in my life became too harsh, but still I remain with what I believe I want for my life in the future.



In my HUM1 class, we were discussing this story by Gaiman about reality, and altered life inside reality. Our professor asked the class who doesn't want to get married someday. I was a bit hesitant to raise my hand because I definitely wouldn't want to get mobbed by the whole class, or be bombarded by tons of questions and arguments about what I think. Good to say that there where actually two of us, and no shots were fired after we've voiced out our opinions on the marriage thing (actually, we didn't get to talk, we simply raised our hands; isn't that a part of it?). Anyways, our professor respected our decision and asked the rest of the class to make a journal about their dream wedding with all the details. While for both of us, he turned the situation into us being pushed into the marriage against our will. Or something like it (papansin talaga haha).



I woke up at 6 in the morning to do this assignment which was a 10am class (no offense to my prof, but I really get to work my mind whenever I'm pressured. The words just kept on flowing although there are few grammatical errors on the way) Here's the edited version of my journal in HUM1.



It is about marriage, the word that isn't a part of my plans ever *utang na loob, huwag naman sana ako tamaan ng kidlat. At pag nag-asawa ako balang araw, huwag ninyo naman ako isumpa hehe*





"Kasal sa Sampung Araw"



Bakla siya. Babae ako. At ikakasal kami.



Simula pa noong kolehiyo kami naging magkaibigan ni >>>>> (hindi niya tunay na pangalan). At sa una naming pagkikita, alam na namin sa isa't-isang kapwa lalaki ang hanap namin. Kung tutuusin, mas babae pa siya kaysa sa akin. Nagkaroon na siya ng dalawang "fafa" na halos tumagal ng tatlong taon ang relasyon sa isa't-isa. Habang ako, kumbaga sa isang laro, kulelat na lang parati pagdating sa mga ganyang uri ng bagay.



Nagtatrabaho bilang isang PR Consultant sa malaking Cosmetics company si >>>>>. Ako naman, magpasahanggang ngayo'y wala pa ring permanenteng direksyon sa buhay. Di na mabilang ang paglipat ko ng mga pahayagan ng diyaryo at mga "teeny bopper magazines" (alam kong sa pelikula lang ginagamit yun, pero nakakaaliw ang salita kaya't pagbigyan niyo na ako); sa pag-asang masustentuhan ko ang aking mga magulang sa pagiging isang manunulat. Isang umaga, nakatanggap ng tawag si >>>>> mula sa kanilang probinsya. Yumao na ang kanyang lolo-sa-tuhod, at nag-iwan ito ng importanteng mensahe para sa kanya.



Ang akala ko'y sa pelikula lamang nangyayari ang naganap kay >>>>. "Cliche" mang maituturing sa isang istorya, subalit aabot sa milyon ang nais ipamana ng lolo-sa-tuhod ni >>>> sa kanya. Kaya lamang, kailangan niyang sumunod sa kasunduang magpakasal sa isang di umano'y disenteng dalaga. Sampung araw ang palugit. Alam sa buong pamilya ni >>>>> ang pinili nitong kasarian, ngunit hindi naging maaliwalas ang pagtanggap nila rito. Gagawin nila ang lahat ng paraan, gaano man kadesperado ito, basta't "maituwid lamang siya sa tama."



Marahil maaari na ninyong pagtagpiin mula rito ang mga pangyayari. Noong una, hindi ko rin nais pumayag. Subalit walang kahihinatnan ang aking pagsusulat. Ika nga ni Jesus Santiago:




"Kung ang tula ay isa lamang pumpon ng mga salita,

nanaisin ko pang ako'y bigyan ng isang taling kangkong..."



Naging mabilis ang pag-aayos ng kasal. At halos bawat araw ay magkasama kami ni >>>>> at tila ginagawang biro ang lahat:



Unang Araw: Dumating ang kaibigang "weddign planner ni >>>>. Pinagkakatuwaan pa namin ito dahil sa kakaibang pagsasalita niya. Nagpipilit "magpaka-French," kumbaga.



Ikalawang Araw: Wala naman akong magagawa, ngunit bakit sa lahat ng kulay ay fuschia pa ang pinili niyang motif ng kasal. Pinipilit ko siyang baguhin ito ngunit mukhang seryoso ang loko. Sa katapusan, gold ang napagkasunduan namin. Nais raw niya iyong kasal nina Ara at Christian sa "Sana'y Wala nang Wakas."



Ikatlong Araw: Hindi ko rin inaakalang magpapakasal kami sa simbahan. Wala sa kanyang itsura ang ganoon; mas inaasahan kong sa garden o island ang kasal. Ngunit ninais ni >>>>> na ikasal kami sa simbahan kung saan ikinasal din ang kanyang mga magulang. Sa Agus... hindi San Ped... Ay! Kung anumang santo iyon, basta't simbahan. Nilibot namin ang lugar habang ikinukwento niya sa akin kung paano nagkakilala ang kanyang mga magulang. "Nirere-enact" nga namin ang mga pangyayari.



Ika-apat na Araw: Pumunta kami ni >>>>> sa isang "flower shop" para sa mga ilalagay na dekorasyon. Kaya lang, mukhang wala na kaming ibang mapili dahil labis na nakakaakit ang mga rosas na "fink" ang kulay, ika nga ni >>>>>. Hinahawi niya ang aking buhok upang ilagay ang bulaklak sa aking tenga, makatapos ay tititigan niya ako.



Ika-limang Araw: Trahe de Boda. Si >>>>> ang pumili ng aking susuotin. Sa totoo lang, habang nagsusukat ako'y siya ang pinapatiging ko kung bagay ba ang damit sa akin. Hindi ko malilimutan ang sinabi niya, "Don't worry, you deserve the best. You're beautiful. You look like a goddes no matter what gown you wear."



Ika-anim na Araw: Niloloko ko si >>>>> kung bakit ayaw na lamang niya ng fishballs at kikiam para sa appetizer, o di kaya'y ang siomai ng Papu's para sa main course. Ngunit sa tingin ko'y mas pipiliin na lamang namin ang mga handa sa lagi naming kinakainan tuwing magkikita kami, kina Aling Nena. Sa kanya na lamang kami magpapa-cater.



Ika-pitong Araw: Isinukat ni >>>>> ang kanyang damit. Lalaking-lalaki ang dating niya. Sana'y hindi na siya nagpalit pa.



Ika-walong Araw: Ipinamudmod na namin ang mga imbitasyon. Mala-"forest" ang tema nito, na umaayon naman sa motif. Tinititigan ko siya. Kapwa kami tahimik habang isinusulat ang mga pangalan sa imbitasyon.



Ika-siyam na Araw: Isang araw na lamang bago ang kasal. Pinagmamasdan ko ang trahe de boda; nag-iisip, "Paano kung naging totoo na lamang ang lahat?"



Ang Araw ng Kasal:



Hindi sumipot si >>>>>.


Naramdaman ko ang mainit-init, maalat na tubig na dumadaloy sa aking pisngi.



Bakla siya. Babae ako. Ikakasal sana kami.


At mahal ko siya.





originally written: 01 December 2004, 6 am

1 comments:

Anonymous

quel to. uyyyyyyyyyyyyy! kunwari bading yung tauhan. baka naman binabaliktad mo lang kami? uyyyyyyyyyyyy! charuz!

Post a Comment