Summer na. Nakakaasar. Wala akong bakasyon. Mainit sa LB, nakakatamad. May klase pa ako mamayang 4:30pm. Pero okay lang, aircon naman dun eh. Sana lang hindi ako antukin. Gusto kong mag-swimming. Gusto kong umuwi sa QC. Gusto kong maglakwatsa. Kaya lang, para na rin naman akong naglalakwatsa ng mga nakaraang araw. Parang wala ring pinagbago.
Summer na. Sana itigil na ng LB na gawing dalawa ang panahon sa isang araw. Hindi ko tuloy alam kung susuotin ko ang shades ko, o magpapayong ako. Nakakaasar. Wala na akong pantalon. Naka-jogging pants ako ngayon. Hindi dahil kasi gusto kong career-in ang P.E. ko na Philippine Games tuwing 7 ng umaga. Wala lang talaga akong pantalon.
Summer na. Nami-miss ko na ang mga taga-LAYB, mga taga-FC kahit na araw-araw ata kaming magkklase. Nalulungkot ako. Marami kasing ga-graduate na brods at sisses. Nakakamiss lalo. Sana makapunta ako sa Sabado.
Summer na. Buwan ko ito. Abril. Dapat naipost ko na itong entry na 'to kahapon pa kung hindi lang nagloko ang Chikka sa KeyStrikes at nawala ang iniinternet ko. Nakakaasar pa rin. Bad trip.
Summer na. Sana may LAYB pa rin. Kaya lang hindi ko alam kung andyan ang mga "jurors" ng LAYB. Ang saya ng worksyap. Naging jumpstarter siya sa buhay na muntik ko nang kinalimutan. Naibalik niya ang dating ako. Kaya ako nagsusulat uli ngayon. Oo, gusto ko pa ring magsulat. Gusto ko pa ring maging manunulat. Hangga't hindi pa ako guma-gradweyt ng kolehiyo, hindi na ako ulit magdadalwang-isip kung gusto ko nga ba ito. Bahala na. Hindi, mali pala. Ako ang bahala.
Summer na. Tumawag ako nung isang araw sa celfone ni kuya, humihingi ako ng load. Nahuli ako ng Nanay ko. Nagsinungaling kasi ako tungkol sa workshop nung LAYB. Sinabi ko namang workshop talaga yun, ayaw maniwala. Kaya lang di ko ata nasabing mags-swimming kami. Sige, huwag nang maghugas ng kamay. Hindi ko talaga sinabi. Pakiramdam ko kasi hindi ako papayagan. Eengot-engot talaga. Pinagalitan ako. Warning 1 na daw ako, at wala nang kasunod pa. Kapag nahuli ulit, ipu-pull out na ako sa LB. Okay lang yun, sulit naman lahat. Kasalanan ko rin. The best pala ang resort, congrats sa mga head and coordinators ng worshop. Ang galing. Nakakatuwang isipin na ganito na ang naaabot ng LAYB. It makes me do my silent smile :) Minalas lang talaga ako nung kinaumagahan ng workshop. Ayoko na sa mga kuting. Mapanlinlang sila. "Pasensiya na po sa pagiging inconsiderate namin." Pero kahit papaano, sana naging magkaibigan yung kuting na pinagtagpo namin. Sana may lukso ng dugo na nangyari. Sana maging friends sila for life. Sa susunod, ika nga ni Kuya Jexter, magiging "goal-oriented" instead of "person-oriented" na ako. Be pragmatic.
Summer na. Isang thrill ang camping noong Sabado, FC Day. Kahit na sumakit ang katawan ko dahil naipit ako ni Macon at Alex sa pagtulog (hehe), ang sarap ng bonding. Nanghihinayang lang ako. Hindi na ako nakasama nung umaga. Naunahan ng physical weaknesses. Congrats sa mga nakapagpasilab ng bonfire; sa nagluto ng isda at gumawa ng mangga,kamatis at itlog na maalat; sa bumili ng masarap na pansit at maraming tinapay; sa mga nagtayo ng tent; sa mga kapitbahay na tiniis ang ingay ng FC kahit madaling araw na; sa mga multo na hindi kami ginambala masyado; sa lugar sa San Pablo (San Cristobal) na nagpapaalala sa akin ng pelikulang Blairwitch Project; lalung-lalo na kay FER (Go sociocom head!) at sa mga 2005 GRADUATES na ginawang posible ang lahat-I salute you brods and sisses!
Summer na. Pero malamig sa loob ng J-Ville. Parang hindi summer. Hindi ko pa rin maayos ang blog ko. Tamad na naman. Ititigil ko na muna ito. Hindi ko pa nagagawa assignment ko sa CMSC1. Baka malaki na ang bayaran ko. Wala na ko pera, wala akong ipon. Sana pagpindot ko ng POST, hindi magloko ang pc.
Till next post.

0 comments:
Post a Comment