Nakakatuwang isipin na ang paglisan ang magbibigay-buhay sa blog na ito. Naniniwala na talaga ako ngayong ironic ang buhay. Tulad ng sinasabi sa isang text na kung kani-kanino na nai-forward at marahil ay natanggap mo na rin at nabasa...
I realized that life is indeed full of contradictions.
Sometimes it's crazy to be sane.
You need to fall to fly.
People suffer because you care.
You have to unlearn to know the lesson.
You have to give up because you are strong.
You have to be wrong to make things right.
Nonetheless, life's complexities are also life's source of beauty.
We should cry to laugh again, fall apart to be whole again,
and get hurt to love again...
Hindi ko mai-forward yan kasi 3 parts ang message. Pero sa hinaba-haba ng text, nasa umpisa na kaagad ang nais ipahiwatig, ika nga sa isang paragraph, ung topic sentence : Ang buhay ay isang malaking kawang ng
kontradiksyon.
Mahigit sa isang taon na rin ang blog na ito, pero kung tutuusin parang ngayon lang siya talaga naging "BLOG" na
matatawag. Kasi totoo naman. Iniisip ko mukha nga lang cluttered ang bagong layout, ang daming nakalagay, ang
daming nangyayari. Pero kung sa bagay, ganoon ata talaga ang nature ko. Cluttered. Ang daming gustong gawin
hindi naman magawa. Ang daming sinisimulan ngunit di naman matapos.
...Parang mga panahon ng hayskul na nag-away kami ng aking mga magulang dahil sa mga kursong pinaglalagay ko sa college application forms. Saan na napunta ang pakikibaka para sa pagmamahal sa sining ng pagsusulat? Hindi ko alam eh. Tinangay ng hangin. Tinangay ng realidad. Tinangay ng katotohanan. Tinangay na ng pagpapamukha sa akin ng aking mga magulang na walang kahihinatnan ang kurso ko.
Malapit na akong maniwala. Pero pilit ko pa ring hinahabol ang hanging tumangay rito. Sa librong ibinigay sa akin ni Joy at kasalukuyan kong binanabasa, sana'y mahabol ko pa ito. Magsilbi ka sanang anghel (if there's such thing) Dianne Booher.
...Parang mga panahong sinabi kong lilipat ako ng Diliman pagkatapos ng freshman year ko sa Los Baños. Na walang makakapagpabago ng isip ko. Saan na napunta ang pag-asam sa diplomang nakasulat ang Journalism bilang kurso ko? Saan na napunta ang mentalidad na "the grass is greener on the other side" (kung pwede man siyang i-apply sa sitwasyong ito)?
Nilamon na sila ng damo sa Freedom Park ng UP Los Baños. Nilamon na sila ng mga ideyang ibinahagi sa akin ni Sir Dumlao sa ilalim ng malaking kabaong. Nilamon na sila ng bawat taong nakakasalubong ko't binabalik sa akin ang ngiting ibinigay kanina pang umaga. Nilamon na sila ng mga karanasan sa Men's at Women's Dorm. Nilamon na sila
ng pagaspas ni Pegaraw. Nilamon na sila ng kumot na hamog na sa Los Baños mo lamang mararanasan.
Nilamon na sila ng mga kapwa makatang kung tawagin ay "Samahang LAYB" na labis na mahal na mahal ko. Nilamon na sila ng kaalaman at pagbabahagi ng kanilang sarili nina Sir Aguinaldo at Ma'am Colanta nang mapadpad din sila sa ilalim ng kabaong at di na minsan pang umalis.
Nilamon na sila ng NCAS Reg kung saan nabuo ang mga pangarap ng New Line Cinema, kung saan nakilala ko ang mga taong tatawagin kong brods and sisses balang araw, lugar na hindi ko aakalaing kinakatakutan ko noon, ay magiging silong ng mga bagong kaibigan.
Nilamon na sila ng isang summer na napagpasyahan kong i-debunk ang paniniwala ni Karen na "Ang summer ay para magpakasaya't magpahinga." Isang mainit na Abril-Mayo na naranasan ko ang maging nomad, at maging illegal housemate sa Wisma. Isang mainit na Abril-Mayo na nakilala ko sina Tina, Beanne, Tinnie at Tin (na minsan ay nakakalito ang mga pangalan). Isang mainit na panahong mas nakilala ko ang sis na si Alex (Sexy rin kung tawagin, kahit na labag sa loob namin ;P), na gaano man kaikli ang bawat araw ay tila humahaba ang gabi sa aming pagkukuwentuhan hanggang madaling araw.
Nilamon na sila ng bawat taong naging kaibigan ko, bawat karanasang ibinigay sa akin, at bawat paniniwalang nasagap ko sa Los Baños.
At masaya akong nangyari ang lahat ng ito.
Minsan, hindi totoong "the grass is greener on the other side." It's just a matter of taking a look first at the grass you're stepping on, instead of always dreaming about what the grass on the other side looks like.
Nababasa ko madalas sa mga nagfo-flood sa friendster bulletin na kung papapiliin ka ng Highschool o College, ano ang isasagot mo. Walang tumpik kong sasagutin ang College. Pero hindi ibig sabihin nito na itinatakwil ko ang buhay ko noong Highschool. Dahil kung gagawin ko ito, hindi ko makikilala sina Joy, Kristyl at Celren. Kabilang na ang tila Friends (kung international) o Click (kung local naman) na barkadahan namin nina Charity, Joshua, Tope, Anne at Christian. Sila ang ilan sa mga magagandang nangyari sa buhay ko. At alam kong sa minsang paglisan, "..kung ano man ang aking iiwan, iyon pa rin ang aking babalikan. Walang magbabago," tulad ng aming pagkakaibigan.
Biglang tumugtog sa aking isipan ang kanta ni Lindsay Lohan..."So you want to change the world, what are you waiting for?..." Naalala ko ang KCS na kasa-kasama ko lamang kagabi sa Galleria, habang alam ng Nanay ko na nasa SM Fairview ako. Ang sandaling oras na magkakasama kami, at sa ilang beses na nagkausap kami, mapa-online man o personal, ay sapat na upang masabi kong higit pa sa chat ang mararating ng aming samahan.
Bakit nga ba ang tagal ng pagbuo ng planetang ito? Siguro dahil na-addict ako sa Sims2. Mahirap na kapag repressions mo ang kalaban. Hay. Huwag nang isipin ang nakaraan, ang mga dahilan. (note to self: alalahanin ulit kung saan dapat ginagamit ang NG at NANG)
Sa wakas, nagkaroon na rin ng bagong dibuho ang blog na ito. At ngayon ko lang naisip, mas madali pa lang bigyan ng bagong buhay ang isang bagay kapag naaalala mo ang dahilan kung bakit ka pa gumigising araw-araw.
Salamat sa pagbasa at pagbisita.
PLANET OF THE APS. RESURRECTED. 12.11.2005