Monday, December 26, 2005

same poles repel

Monday, December 26, 2005
"Why do relationships have to be so hard?"
"Because the only thing harder is to be alone."
~ One Tree Hill

Siguro nga. Totoo yun. Kaya siguro tayo nagkaka-boyfriend or girlfriend. O di kaya nag-aasawa dahil mahirap mag-isa. Malungkot mag-isa.

Wait. Let me rephrase that. Hindi pala tayo. Kayo pala hehe.

Kung tutuusin, hindi naman ako namo-moroblema if I've been single for 19 years, even if half of my age have already experienced being in a relationship. Masaya naman ako kahit na consistent member ako ng N.B.S.B. Pero minsan, mahirap iwasan o iwaglit sa isipan ang what-ifs ng buhay.

Lalo na kapag naglalakad ako noon sa Carabao Park sa Los Banos, at halos lahat ng makakasalubong ko ay mga magka-holding hands, magkaakbay, magkayakap, at anu-ano pang magka- or naka-. Maiisip mo rin kung ano kaya ang satisfaction na naibibigay kapag hawak mo ng iba,kapag nakaakbay o umaakbay ka. How does it feel to be loved by a complete stranger?

Siyempre, ewan ko. Masarap lang na paminsan-minsan maging curious sa mga bagay na hindi mo pa nararanasan. At maaaring di na maranasan. Sometimes, I think maybe it has something to do with my personality, or attitude towards men. Naniniwala kasi akong aside from looks, there are really some women who have personalities that act like "men magnets," that's why it's easy for them to engage in a relationship.

As for me, siguro escapist lang talaga ako. Yung tipong kapag andyan na't nakahain, I tend to resent it dahil I start thinking about myself again. And I admit, I am selfish of my time. Siguro nature na talaga yun ng Aquarians, ang magkaroon ng oras para sa sarili and be individualistic.

Ang gulo ng emosyon. Ang gulo ng relasyon. Sana balang araw, luminaw din ang lahat.

Sa ngayon, being single is still a blessing. :)

4 comments:

jay-p

May mga pagkakataon na wala akong pakialam if mag-isa lang ako. I guess bahagi ng sarili ko ay mananatiling mag-isa dahil gusto ko... ewan masaya talaga minsan pero nakakaasar din kasi minsan feeling ko I am missing out in the fine things in life.

Mula ng ma-busted ako several months ago, I didn't give effort much.

Siguro totoo yung sinabi sa quote. Or maybe we just need the security that we are not alone. Or maybe just for the sake of it.

Anonymous

Oo nga (referring to ur last par.) ang gulo nga rin pag minsan naman maiisip natin na ang security na kailangan natin ay di natin mahahanap sa iba.

minsan, mas secured pag mag-isa ka lang. :)

nixda

u can't hurry love! sabi nga ni Phil Collins
kusa namang dumarating ito, meron at merong nakalaan para sa iyo.
kung madalas kang iibig di madalas ka ring masasaktan.

Anonymous

para sken kc.. may mga needs tyo na makukuha ntin sa iba.. cguro? ahihi.. magulo pero msaya.

Post a Comment