Monday, April 24, 2006

15 minutes left

Monday, April 24, 2006
Ganoon lang pala kadaling magtapon ng pagkakaibigan.

Lalo na kung ikaw lang pala ang nagpapahalaga dito pagkatapos ng ilang taon, pagkatapos ng lahat ng emosyon na ibinuhos mo dito.

Oo, ganoon lang magtapon ng pagkakaibigan. Parang balat ng kendi na kapag nakuha mo na ang laman, madali lang pakawalan ng kamay at itapon sa daan. O isiksik sa bulsa at itago na lang doon hanggang sa makalimutan mo na.

Tatandaan ko ang araw na ito. Pinaiyak mo ko. Tulad ng ilang taong ginugol ko sa pag-iyak, pagkatulala, pag-iisip. Tatandaan ko ang araw na ito na bumalik ang lahat ng alaalang hindi pala karapat-dapat na balikan.

Salamat pinaiyak mo ko. Salamat sa pagtapon sa ating pagkakaibigan. Salamat. Totoo, salamat. Matakot ka at nakangiti akong sinasabi ito. Salamat.

>>At salamat din sa sulat ng isang kaibigang natanggap ko (hindi nakakatakot ang ngiti ko sa pagsabi ko nito. Sinsero ako dito.) Kung hindi, patuloy na dadaloy ang luhang hindi mailabas ng mata. Sana okay ka. <<

Minsan lang ako magtiwala sa pagkakaibigan. Pero hanggang ngayon, kung kailan akala ko totoo ang lahat, duon magigimbal ang mundo mo.

Itutuon ko na lang ang sarili ko sa... Sarili ko. Oo, dahil sigurado akong hindi niya ako sasaktan. At hindi rin niya itatapon ang pagkakaibigan namin. Kung tutuusin, wala siyang choice. Hindi ba?

2 comments:

jay-p

Totoo, dati idealistic ako pero ngayon, hindi na. Di maiiwasan na magbago ang mga tao....

Nakakalungkot pero wala na tayong magagawa dyan.

ktyl

sapul ako dun!! parang pareho tayo ng nararamdaman.. hmmm....

Post a Comment