Tuesday, August 30, 2005

cultural night

Tuesday, August 30, 2005
Nakakatuwang isipin at balikan ang mga bagay na alam nating minahal natin noon pa man.

Pilit bumabalik sa aking isipan ang nangyari noong gabi sa freedompark, ilang araw bago ang cultural night. Nawa'y hindi nabago ang pananaw ukol sa isa't-isa. Bagama't alam kong hindi tayo magiging ganoon. Alam natin ang kaibahan ng trabaho sa pagiging magkakaibigan, na unang naging pundasyon ng ating samahan.

Kapwa tayo may pananagutan. maging ako'y nagkulang, masasabing nalihisang landas ng minsang nalingat. Subalit, sa araw ng cultural night, nasilayan ko pa rin sa bawat isa sa atin ang pagmamahal sa Layb - sa samahang lalong nagpaalab sa ating pagkamanunudla, o manunulat. nakakatuwang pagmasdan lamang ang isa't-isa sa atin, na kahit nagkaroon na ng maraming pagbabago sa buhay ay lumalabas pa rin ang mga katangiang nagpakakilanlan sa atin sa isa't isa. ITO PA RIN ANG LAYB. TAYO PA RIN ANG LAYB. At hinding-hindi tayo mawawala.

Ang cultural night na kamakailan lamang nangyari ay sana magsilbing pagmulat sa atin, o marahil maging inspirasyon na balang araw aymakalikha rin tayo ng mga ganoong uri ng pagtatanghal. Hindi man magarbo, makaapekto man lang sa buhay ng mga taong elbi o sa labas man.

Nakakaiyak ang pagkanta nina ilia at irvin. Nais kong lumuha noon kung hindi lang nakatutok ang spotlight ;)

Kay pinky, saludo ako sa pagiging responsable mo. Ang hirap at pagoday natutumbasan ng kaligayahan o pagngiting habambuhay na matatandaan.

Kay quel, kita man sa iyong mukha ang pagod ay patuloy pa rin ang pag-alab ng pagmamahal sa samahan. salamat.

Kay carmel at paul, isa kayo sa mga malalambing na boses ng layb na hindi kailanman nauupos ang pagpapahalaga sa samahan.

Kay dotong at vaness, ipagpatuloy ang pagsamba sa dilim - at pagcareer sa spotlight man. ;P Ang inyong presensya ang nagpatibay sa amin sa gabing iyon.

Kay kring, nadama ko ang iyong likod. At labis akong nagalak nakasama kita sa pagsamba sa dilim.

Kay blythe, hayaan nating ang hamog ng dry ice ng gabing iyon ang patuloy na magbuklod sa ating samahan. salamat kapatid.

Kay clarisse at botchok, ang pagmamahal ninyo sa layb ay sintindi ngpagmamahal ninyo sa isa't-isa. Na-felt ko. Naks. Salamat muli.

Kay jave at katalbas, alam naming ang inyong kaluluwa ay naroon.

Kay aji, salamat sa pagsuporta, na kahit sa huling mensahe ay dumating ka pa rin.

Higit sa lahat, kay kuya james, na isinaalang-alang ang propesyonpara sa gabing pag-aalayan ng layb. Sumasaludo ako sa iyo ng ilang ulit. Walang patumanggang pasasalamat. Isa ring pasasalamat sa iyong kaibigang ang pangalan ay di ko nawari. MARAMING MARAMING SALAMAT.

At sa iba pa,mabuhay kayong lahat.
Panghuli sa pinkahuli: ma'am amy, sir dennis at sir dumlao...

Hindi ko alam kung sapat bang sabihin, subalit kung hindi namin kayo nakilala, marahil wala rin ang layb bagama't mga estudyante ang halos bumubuo rito. Subalit walang estudyante kung walang guro, wala ring guro kung wala ang estudyante.

Ang aming mga natutunan, at matututunan namin sa inyo ay tumatatak sa amin,tagos sa kung ano ang natututunan sa klasroom. Di man halata subalit ninanamnam namin ito sa aming mga sariling paraan ;) Bawat paghabi ng tula ay may minsanang patumangga ng pag-alingawngaw ng inyong mga karanasan at turo sa amin, kasabay ng pangungulit ng aming mga damdamin sa pagsusulat, o pagtula.

Labis na pasasalamat sa inyong pagpalakpak noong tinawag ang layb. Ang inyong pagsuporta, pagpalakpak ang naging musika sa aming tenga (cliche ito ;D) at nagpalakas sa aming loob sa pagtuntong namin doon. Salamat po. Maraming salamat.

SAMAHANG LAYB. KABAHAGI NG ALAY TRIBU CULTURAL NIGHT. NAGANAP NOONG AGOSTO 31, 2005 SA S.U. AMPHITHEATRE.

Ito ang Layb. Tayo ang Layb. Hinding-hindi tayo mawawala. Patuloy pa rin ang pagsamba sa dilim, sa tula, sa buhay. Mahal ko kayo.

0 comments:

Post a Comment