Friday, August 05, 2005

new line cinema

Friday, August 05, 2005
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang (Parang kailan lang, nang ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin...) ng nagkakilala tayong pito. Kung tutuusin, nasa labing-apat o labing-dalawa ata tayo noon. Hindi ko na matandaan. Basta't ang tanging tumatak sa short-term memory kong utak ay kayong pito.

Unang araw na sumabak tayo sa NCAS ay tila nais na nating hilahin ang oras. Cliche mang pakinggan subalit yun naman talaga ang nais nating mangyari. Tuwing sasapit ang 5:30 ng hapon, nariyan na ang pangamba sa hindi malamang dahilan. Sa akin, pakiramdam ko ay kakatayin na ako. Hindi ko alam kung ganoon ding kalala iyon para sa inyo. Ganunpaman, lumipas ang isang linggo at nanatili pa rin tayo.

Pumasok ang Lunes, nawalan tayo ng pundasyon at ilang miyembro. Hindi natin alam kung ano ang gagawin. Ang dalawang linggo ay parang buwan kung lumipas. Marahil noong weekends, hindi rin tayo mapakali ng umuwi tayo sa kanya-kanyang bahay natin; sa Muntinlupa, sa Q.C., sa Antipolo, sa San Pablo o di kaya'y sa dorm lang. Hawak-hawak ang kulay sky blue na notebook (na binasagang turquoise), hindi natin alam kung paano pagugulungin ang araw sa mga palad natin. Dumaan ang Sabado, matatapos na ang Linggo, Lunes na naman. 5:30 na naman. NCAS. Aah.

Naaalala ko pa ang araw na kinailangan nating magmukhang mga totoong babae at lalaki. Isa iyon sa mga pinakanakakapagod at kakaibang araw. Natatandaan ko pa rin ang medyo murky lights ng NCAS, ang mga pillars nito na kadalasa'y ginagawa nating taguan kapag naluluha o di kaya'y napanghihinaan ng loob (o di kaya'y para magtago? hehe). Hindi ko rin maaaring kaligtaan noong biglang nawala ang apat sa atin, at hindi namin alam na 3 kung nasaan kayo naroroon. Naghihintay kami sa harap ng isang dorm/apartment; nagtataka, nag-aalala kung saan kayo napadpad. Noong hinimatay ang isa sa hindi malamang dahilan. Noong tumakbo ang dalawa sa fertility tree. Noong nakatago ang iba sa chamber at lumalabas na pula ang mata.

Ang bahay sa Raymundo. Sino ang makakalimot sa itsura nito? Na ayaw pagamitin sa atin ang CR kahit na magkasakit na tayo sa bato? Hehe. Sino sa atin ang makakalimot sa pagpa-praktis ng kanta't sayaw, kung kailan nais nating magfeeling na choir tayong kumakanta ng "Umagang Kay Ganda" at may voicing pa tayong naisip? Sino nga ba ulit ang nagsabing matutulog lamang tayo ng 5 minuto at nagising na tayo ng alas-sais ng umaga? At kung maaalala pa kaya tayo noong mga taong nakakita sa ating lumabas sa bahay with the "knowing look?"

Bigla ko muling naalala ang mahigawang 11:53pm sa KeyStrikes. Kung saan nagbakasakali tayo sa Palacasan, at nahanap natin ang "clue" sa ating layunin. Kung saan tayo napadpad: sa 4Boys, sa mga computer shops, hanggang sa huling pag-asa ay doon natin nakita ang liwanag sa dulo ng tunnel. Nakakatuwa. Nakakatawa. Naalala kong muli noong nakaupo tayo sa mga monobloc at gumagawa ng assignments, o di kaya'y noong nag-aabang tayo sa malamok na lamesa ng 4Boys at medyo nakakatulog. Pungay na ang mata subalit nagmamatyag sa mga dumadating; at hindi ko malilimutan ang mga katagang, "Hindi mapupunta sa wala ang mga pinaghirapan natin..."

Oo nga, hindi siya napunta sa wala mga batchmates.

At magpasahanggang ngayon, hindi natin pagsasawaan ang mga kwento natin tungkol sa mga naranasan natin na kahit paulit-ulit at halos kabisado na natin, ay palaging magiging bukambibig natin pag magkakasama.

Robby Benson Torres,
Kristy Ann Texon,
Anna Zoe Magallanes,
Carlo Comia,
Ma. Concepcion Macalintal,
Kristine Reyes,

JULY 24, 2005. HAPPY 1st ANNIVERSARY SA NEW LINE CINEMA AGENCY!!!!

Huli ang pagbati, ngunit mas mababagabag ako kung hindi ko ito magagawa. You're the greatest guys. Muah muah.

0 comments:

Post a Comment