Ngayon ko lang napatunayan that I hate flying. Mas gusto ko pa siguro mag-bus para makarating kung saang lupalop ng mundo kaysa sumakay sa eroplano at umupo ng mahigit sa 12 oras.
Unang beses kong sumakay ng eroplano ay noong kaka-gradweyt ko pa lamang sa hayskul. 16 hours ang biyahe. May connecting flight yun, from Manila to Japan to U.S. Pero 16 hours?! Hindi mo na mamamalayan kung araw o gabi ka ba dumating sa destinasyon mo. Pakiramdam ng utak mo nakarating ka na sa pinakadulong layer ng atmosphere.
Siguro ang rewarding feeling sa pagsakay ng eroplano ay kapag nagta-take-off na ito. Mararamdaman mo ang paglipad sa ere, mas maswerte pa kapag nasa window seat ka. Makikita mo ang unti-unting pagliit sa paningin ng mga buildings habang papalayo ang eroplano, pati ang unting paghawi ng mga ulap rito. Subalit, kapag dumating na ang oras na puro puti na lang ang nakikita mo, hindi na exciting. Maghahanap ka na ng gagawin mo sa loob ng eroplano.
Saka siyempre, rewarding na din ang feeling na nakasakay ka ng eroplano at ilang pagkain ang tiniis ng mga magulang o kamag-anak mo para lang makasakay ka rito. Sa mahal ng pamasahe, makakabili na ko ng maraming libro at cds kaysa bumili ng ticket.
Nagpapalabas ng pelikula ang eroplano (o siguro depende din yun sa airlines na kukunin mo). Kaya langsa taas ng mga upuan, ang malas mo kapag nasa gitnang row ka dahil ilong lang ng astista ang mapapanood mo. Papakinggan mo na lang ang artista sa headphones na parang nag-error downloading codec ang movie at audio na lang ang natira.
Siguro ang pinaka-ayoko sa pagsakay sa eroplano ay ang pagkain. Sa unang pagkakataon na sumakay ako, sorry pero lasang plastik-slash-medicine-slash-artificial ang breakfast namin na sausage and eggs. Tila ba kung ano ang iniisip kong lasa ng pagkain ng mga astronaut ay ganoon nga ang natikman ko. Mas gugustuhin ko nga ang di kumain habang naroroon. Magkakasakit ata ako sa bato kapag tumagal. Hmm...Siguro papayat ako kung lagi akong sasakay sa eroplano. Hehe.
Sa ikalawang biyahe, 12 hours lang ang biyahe namin. Mas tolerable, ika nga. Dagdag pa rito ang 1 and 1/2 hours na connecting (domestic) flight papuntang Phoenix sa Arizona. Nagdala na ako ng libro sa pagkakataong ito, pero hindi ko rin nabasa. Nahihilo ako eh. Hindi ko talaga hilig ang eroplano.
Sa naturang ikalawang beses na ito, sasabihin ko ring hindi na ko medyo natuwa sa pagtingin sa labas ng bintana habang umaangat ang eroplano. Habang unti-unti nawawala sa paningin ko ang bawat gusali at mumunting ilaw na naaaninagan ko, naalala ko ang mga taong hindi ko na rin makikita habang nilalamon na ng ulap ang pagsulyap ko sa paligid. Matagal pa bago ako makabalik. Ayokong isipin, pero mukhang mas mahirap atang gawin yun.
Simula ng nanood ako ng LOST, medyo kinakabahan na rin akong sumakay. Lalo na pag nagkakaroon ng turbulence.Paano kung biglang mahati yung eroplano? Paano kung biglang sumabog? Paano kung ma-stranded din ako sa isang island? Ang daming what-ifs. Pero buti, hindi pa naman sila nangyayari. At ayoko silang mangyari, marami pa akong kailangang balikan. Marami pa akong kailangang gawin.
Nasa hotel ako ngayon, wala pang kasiguraduhan ang buhay. Palutang-lutang. Hindi naman sa nag-aabang ng grasya. Naghihintay lang ng Lunes kung kailan sisimulan ko na ayusin ang buhay ko sa bagong lugar. At sisimulan ko iyon sa paglipat sa bagong apartment at pag-aayos ng kwarto.
Ayoko nang lumipad uli. Ayoko sa mga eroplano. Ayoko maging eroplano. Ayokong laging lumilipad ang buhay ko sa anumang direksyon. Sana hindi ko laging tatanawin ang mga nais kong mangyari sa buhay ko, tulad ng mga batang tinatanaw at kumakaway sa mga eroplanong lumilipad sa langit.
Kung lilipad man ako sa susunod, dapa makapagbasa na ako ng libro at di na mahilong muli.
Welcome to Arizona, Aps.

3 comments:
josme!! anjan na yan tanggapin mo ng dalawang kamay .... hindi mo maayos ang panibagong chapter ng buhay mo kung hindi mo tatanggapin ng buong buo at bukal sa loob. diba? para nga sa iba sabihin swerte mo ..... anjan ka ... me bala ka naman e .... ang iyong panulat :) ...GOOD LUCK!!
salamat sa pagbisita sa blog ko. Ganda ng layout mo, ah.
Di pa ko nakaksakay ng aeroplane. Nakakaiinggit! I am hoping sana makaalis ako after gtaduation para magbakasyon.
Let me guess...Northwest Airlines? Very forgettable food, indeed. Arizona, eh? Ingat ka diyan. Tekker :)
Post a Comment