Usapang patay.
Ang laki ng nagiging problema ng mga tao kapag namamatayan. Siyempre, pera ang ugat lagi. Namomroblema ka na nga sa pera nung buhay ka, mamomroblema pa ang pamilya mo ulit sa perang pampalibing sa iyo. Siguro mas unfair ang feeling pa ng mga taong pinatay dahil rin sa pera.
Totoo nga sigurong "Money makes the world go round." Unti-unti na akong naniniwala. Minsan, naiisip ko na sana nabuhay na lang tayo sa trading ng snails and seashells. Less complicated pa siguro ang buhay.
Highschool film project namin nung third year sa napaka-demanding na Reading subject (na btw, elective pala siya) ay tungkol sa patay. Yun ang napili naming topic. Pumunta kami sa Forest Hills sa may Bayan. Funeraria/morgue ata siya.
Ako ang humahawak ng camera, at aaminin kong takot akong lumapit sa mga kabaong. Lalo na kapag may taong nasa loob na ito. Iniisip ko kasing baka bumangon bigla yung patay. Malakas ang loob kong sumilip sa kabaong kapag may taong nakatayo sa harap ko. At least kung meron mang sasakalin yung bumangong patay, siya at hindi ako hehehe.
Anyways, noon lang ako nakakita ng napakaraming kabaong. Sinabi din nila ang mga presyo at alam ko mahal silang lahat. Dinala din nila kami sa morgue, at hindi naman gaanong nakakatakot sa partikular na morgueng ito. Okay lang, hindi tulad ng laging dine-depict sa pelikula at tv shows (unless minsan ginagamit ang morgue for a dramatic scene, tulad ng iiyak ang ang babae sa namatay na boypren na nakahiga roon).
Ininterbyu din namin yung embalsamador, na hindi ko masyado marinig ang sinasabi niya dahil kinukunan ko siya. At medyo malayo ang kuha namin dahil ayaw niya i-reveal ang gwapo niyang mukha (no sarcasm intended).
Mayroon pa ata kaming isang pinuntahang funeraria, di ko lang maalala. Accomodating sila parehas at dahil gusto nila kaming tulungan sa project namin, nagbigay pa sila ng bonus sa amin: isang "How to Make-up the Dead" home video hehehe (God bless the soul).
Gabi ng Valentine's Day, magkakasama rin kaming magkakabarkada/groupmates sa sementeryo. Mag-go-ghost hunting pa nga sana kami. What a great way to celebrate the day of love. Shooting pa rin siyempre. Masaya at sana maulit uli namin sa susunod na Valentine's Day.
Natapos namin ang project, at nagustuhan naman siya ng teacher namin. Pinagalitan nga lang ako ng Nanay ko kasi nagamit ko ang pictures namin para sa opening ng pelikula. Inakala niyang yun ang mga taong namatay when it was supposed to show man's growing periods. Pero kung sa bagay, after namin i-edit parang ganoon ang naging kalabasan. Palpak talaga.
Minsan, kwentuhan namin dati ng roommates ko sa Men's Dorm (Oo, yun ang pangalan niya, pero co-ed na siya nun) kung ano ang gusto naming burol at saka pagpapalibing.
Hindi ko malimutan ang sagot ni Karen, gusto niya Hawaiian ang theme - with matching flower garlands at lahat dapat naka-grass skirt. Gusto niya lahat ng tao masaya at kapag i-eembalsamo siya, gusto niya unique position at nakangiti siya.
Kahit naman ako, magkaroon ng ganoong burol, hindi ko mapipigilan ang sarili kong tumawa at maging masaya. Pero siyempre, biro lang niya yun. Kahit na paulit-ulit niyang sinasabi yun,malay natin balang araw ganun nga ang maging motif. :)
Tuwing Abril nagbabakasyon kami sa Cavite, pista kasi. At dahil malapit lang ang mga sementeryo, uso pa ang iminamartsa ang patay. Isang beses, may inilakad na patay sa harapan namin, kumpleto sa bandang musiko, mga kamag-anak na umiiyak at siyempre ung karo ng patay.
Nakakalungkot na sana kung hindi ko lang na-recognize yung tinutugtog ng banda na paboritong kanta daw nung patay."My heart goes SHALALALALA... (plak-plak-plak)" Hay, ang Pilipino nga naman. Astig talaga. :)
Kung ako ang tatanungin, hindi pa rin ako desidido kung ano ang gusto ko mangyari sa katawan ko kapag namatay ako. Sabi ko sa Nanay ko, kapag namatay ako, gusto ko i-ke-cremate tapos ililibing. Get the best of both worlds, ika nga. Kaya lang, parang natatakot ako na ipasunog ang katawan ko. Ano kaya ang mararamdaman ng kaluluwa ko nun?
But most of all, I'm sure na gusto kong bibisitahin ang labi ko. Kahit tirikan lang ng kandila sa November 1 at birthday ko. Para naman at least may nakakaalala sa akin. Kaunting linis lang at pintura okay na sa akin yun. Ayoko namang magpatayo ng napakalaking mansion para lang doon ilagay ang aking remains. Busy na ko. Mahal. Gamitin na lang ang pera para sa mga taong buhay pa. Mapapakain pa noon ang ilang pamilya.
For now, I am considering mummification. Hmm... Pwede rin! Makapag-search nga sa net kung available ang mummification sa Pinas. Para makapag-ipon ng maaga para sa future corpse ko hehehe.
Uso na rin pala ang mga Columbarium ngayon... Decisions decisions decisions.
Mahirap daw ang mabuhay. Mahirap pa din kapag namatay. Hay naman talaga.
6 comments:
lol knock on wood nga ... bakit sa dinami dami ng topic yan pa naisip mo .. pero sa bagay yung laman nga ng utak ko lagi death e ..bakit kaya no? bata pa naman ako tsk tsk tsk!!!konting sakit .... death agad asa isip ko lol!! di kasi ako nagpapagamot e nde ko iniinda kung ano mang sakit meron ako ..uhmmnnn yung shalalalla lol kala ko sa movie lang me ganun pag naglilibing ...ang alam ko mga kanta ni matt monro at mga oldies singer kasi fevorit nung mga namamatay .uhmmnn haba na to pede ko ng iblog ano? lol!!!
I wanna be cremated pag namatay. Anyway... I made a blog about kabaong, nabura na nga lang yung mga comments. haha!
I think, yes, money makes the world go round... pero nung bata ako, I was too naive to admit.
Saka sa palagay ko death is just as natural as birth. Nice stories. :D
melai = laging death siguro ang naiisip natin kasi we are most curious bout d things we don't know (except cguro pag namatay tayo at nabuhay ulit... :P)
anyways,oo nga eh naweirdohan din ako nung tym na pinatugtog un hehe.province pa nangyari kaya mas odd.
jeeper = jz read ur post sa kabaong hehe.kaya lang mukhang malilito ako kung urn o kabaong ang nais mo gamitin someday? :P
oo nga talaga. money nowadays is everything.parang case pag bata ka pa madali lng isagot na mas pipiliin mo love kesa career,coz we believe it's the ryt thing to do. now, it's a diff game and everything suddenly makes sense ;)
huh?! kauumpisa ng taon napunta yata sa halloween ang usapan?
Katoliko ka ba sistah? bawal ang creamation ...
sa amin mas mahal ang magpalibing ng buhay...este magpalibing ng may ataul sa sementeryo...hehe
mas uso ang creamation kc mura.
neng = parang nevr heard ko pa na bawal ang cremation sa catholic church. katoliko ako pero not practicing hehe.
baliktad pala sa pinas ano?dun mas mahal cremation...ata...ewan ko lng. un ang lam ko :D
ei aps sorry ulet .... kasing gulo kasi ng blog ko ang utak ko e :) walang POC lol ..sya nga pala lumipat na ko sa http://manilenya.com thanks!!!
Post a Comment