This is a story I have "impulsively" written while my brain is draining from my research paper in COMA 192. Instead of finishing the paper, I have written this one instead. It was past 11 in the evening, I was in COMSAT (a computer shop) and only a few people were surfing the net or typing their papers. It was hell week already. I just watched Retorika 4: Bitter Society. And yes, I'm proud to say I could relate to it. I am bitter with love. I usually define love as stupid. Kill me now but I'll stand with my definition.
I felt my phone vibrated. Someone texted me. Then, the ideas splurged suddenly. This is one of my untitled stories. No offense to men, pardon the bitter woman who wrote this. Comments please, hehe.
THE STORY YET TO BE TITLED (hmm...isip muna ako oki.)
Inspired by the Retorika 4:Bitter Society
Kadalasan, ang isang lalaki walang dahilan para itext ang babae. Kaya hindi niya ito ittext. Magsesend lamang cya ng message dito kapag magtatanong ng assignment, o kung may group meeting ba sila. O talaga lang friendly ung lalaki, o di kaya bading siya. Kapag nakita mo sa iyong fone ang 1 message sent, at ang nagtext sa iyo ay ang lalaking “know mo lang by face or name,” at gabi-gabi niya itong ginagawa, iba na ang meaning non para sa lalaki. At cyempre para sa iyo na rin. Lalo na pag nagsesend siya ng mga sweet messages at quotes sa iyo, lalo na pag wala sa itsura niya ang magpadala ng mga ganoon, iba na ang pakay ng lalaki sa babae.
Mas malalim. May hinahangad. May inaasam.
Kapag naggugudnayt ciya sa iyo na may kasama pang sweet dreams at don’t let the bed garapatas bite, heto ka naman at kakabahan. Magtataka. Mag-iisip. Hindi kaya mayroon siyang nadarama para sa akin? Hindi kaya gusto niya ako? At siyempre, dahil feeling ka na mahaba ang hair mo at pakiramdam mong lahat ng lalaki ay nagkakandarapa sa iyo (kahit na isa lang naman cya talga), rereplayan mo cya ng matamis mong gudnyt at sweet drims. Mishu. Kahit na ang totoo ay hindi mo naman siya namimiss.
In short, nakipag-flirt ka lang sa lalaki. Mali. Hindi dapat. Kasi alam mo namang hindi mo siya mahal. At kahit kailan ay hindi sumagi sa isip mong maging kayo. Pero dahil babae ka, at nadadala ka rin sa mga pa-charming ng mga lalaki, madali kang bumigay. 1 message received. Mishu too. Galing sa lalaki.
Ika nga ng prof ko sa SOSC1, problema sa mga babae ay nagbibigay sila ng maraming kahulugan sa isang salitang binabanggit, lalo na pag binigkas ito ng lalaki. Kapag sinabi niya sa iyong mataba ka, feel mo ay panget ka na. Kapag sinabing ang payat mo, iisipin mong panget ka pa rin. Sabi ng text sa iyo ng lalaki. Mishu too raw. At dahil babae ka, maraming mga “theories at hypotheses” ang pumasok sa utak mo. Siguro pahapyaw niya iyon ng love you. O di kaya gustung-gusto ka na niyang makita bukas. Siguro iniisip ka niya gabi-gabi kaya namimiss ka niya.
Ang totoo. Namimiss ka lang niya. Un lang un. O ang mas masaklap na katotohanan, gusto lang niyang bigyan ka ng pampalubag-loob at sabihin ring miss ka niya kunwari. Pero sabagay, hindi mo naman din siya namimiss. Nakikipagflirt ka lang naman talga diba.
Gabi-gabing nagtetext sa iyo ang lalaki. Kahit hindi ka na nagrereply ay sige pa rin ang text niya sa iyo. Iisipin mong "Wow ang tiyaga naman nito! Malakas ang figthing spirit!" At kung maging suitor mo man siya ay siguradong masugid ito, parang prinsipe ni Sleeping Beauty na hindi nagpaawat sa dragon man o sa mga baging na nakapulupot sa buong kastilyo. Kaya lang ang hindi mo alam, nag-sho-show-off lang ang prinsipe. Ang totoo’y gusto lang niyang maging sikat sa lahat ng mga prinsipe ng ibang kaharian; ipakitang malakas siya sa iba – at ikaw ang premyo niya. Oo, ikaw.
Pero, malay natin. Baka naman iba siya sa lahat. Baka ang pagsabi niya sa iyo ng MISHU TOO ay bukal sa kalooban niya, at baka mas malalim ang kahulugan nito. Umasa ka na sana nga’y malalim ang kahulugan noon. Sana’y may kasunod nang i love you o di kaya’y itext ka man lang niya ng quote na patama. Para makapag-aminan na.
Nakikipagflirt ka na lang ba talaga? O like mo na siya? Or mahal mo na siya?
Isang araw, tootoot tootoot. Tumunog ang message alert tone mo. Nagtext ang lalaki. Love quote. Kinilig ka naman. Todo kwento ka sa mga roommates mo kung gaano ka romantiko ang lalaking nagsabi sa iyo ng mishu too. Tumalab sa iyo ang charm niya.
Ang tanong, ano kaya ang nararamdaman niya para sa iyo?
Nagtext ang lalaki kasunod ng love quote. Nagpahapyaw na naman ito. Gundnyt, sweet drims. Hop 2 c u soon.
Hop 2 c u soon? Mis ka na niya siguro talaga. Gusto mo nang sabihin sa kanyang iloveu. Pero napipigilan ka ng pagkababae mo kahit na flirtatious ang dating mo. Kahit na sa text lang, mahal mo na ata siya.
Isang araw, wala kang nareceive na text sa kanya. Lumipas ang 3 araw, 1 linggo, 1 buwan. Hindi tumunog ang fone mo kung saan navivibes mong siya ang nagtext. Natural, nagtaka ka. Hindi kaya patay na siya?
Tinext mo cya ng love quote. Hindi cya nagreply. Kinamusta mo cya. Hindi cya nagreply. Tinext mo siya ng patama na quote. Hindi pa rin siya nagreply.
Isang araw, nalaman mo na lang. May iba na pala cyang tinetext.
Wala ka nang magagawa kundi palipasin ang naramdaman mo para sa kanya. Hiling mo na lang ay magtext cya sana ulit sayo. Martyr. Kaya lang mahal mo na eh.
Ganyan ang mga lalaki. Maaalala ka lang kapag may kailangan sila sa iyo. Kitams.
*Sorry for the grammar and typo errors. Lost time to edit it.