Sunday, November 28, 2004

this is not a love poem

Sunday, November 28, 2004 0
punch


yup, it isn't




Ang Ayaw Ko sa Pagiging Isang Babae



Mahirap ipagsiksikan ang sarili sa isang mundong hindi ka handang tanggapin.

Mahirap isipin na habang umiikot ang mundo mo sa kanya'y umiikot ang kanya sa iba.

Mahirap yakapin ang isang taong hindi handang ibalik ang iyong pagyakap.



Maaaring patuloy akong malunod sa'yo. Hayaan kong lagutan ang aking paghinga.

Ngunit hindi ko iyon gagawin para sa iyo.

Dadausdos ang tubig-alat sa aking katawan,upang pigilan nito ang pag-agos ng dugo ng buhay.

Dahil mas nasasaktan ako tuwing nakikita kita.

At hindi ko na pahihintulutan pa ang aking mga matang lumuha.



Isa iyong kagaguhan.

Isa iyong katangahan.

Isang katarantaduhan.



Na nagagawa ng isang babae

Ang babaeng ngayo'y nakatayo sa iyong harapan.

Subalit sa malayo ka nakatingin, kaya't hindi mo ko nakikita.

Sana'y bulag din ako tulad mo.



O maaaring magmahal na lang ako ng isang bulag

Sapagkat mas makikita niya ako kaysa sa iyo.



Sorry.

Babae lang ako.