Friday, February 25, 2005

part 1 ng feb fair week

Friday, February 25, 2005

apsavatar

Gusto kong gumawa ng isang major make-over sa blog na ito, tulad ng mga nangyaring make-over sa buhay ko nitong mga nakaraang linggo.

Natapos ang Feb Fair 2 weeks ago. Isa sa mga linggong sana'y hindi mabilis na dumaan. Unang Feb Fair ko ito na kasama ang bagong pamilya ko sa FC. Kakaiba. Maligalig. Masaya. Marami akong narealize. Pero mamaya na ang mga detalye. Heto ang unang part.

FEB FAIR WEEK : Saturday, Feb. 12, 2005

Hindi ako umuwi sa amin bago mag-Feb Fair. Maraming mga bagay na kailangang gawin. Sabado: kasama ang mga brods *ehem, ung 2 doubtful pa hehe* na Carlo, Benson at Kuya Jexter, pinagmukha naming galaxy ang exhibit. Kapwa kami nasaludsod ni Kuya Jexter sa pagbuhat ng exhibit na nagfi-feeling akong macho kahit na hindi (hrrrm...Ate Beth?). Buti, nakasalubong namin si Carlo sa LandBank. Haha savior siya, malapit na't maibabagsak ko ang exhibit.

Dumating si Benson sa 4Boys. Nagkaroon ng magandang ideya si Kuya Jexter para sa logo. Iba eh, saan ka pa makakakita ng Rico Yan na, eh props pa sa Icebag (wehehe, joke lang po :P). Sinimulan naming ukitin ang styrofore-turned-logo ng FC. Nagmukhang Alps Mountain ang 4Boys. Napagod na ng kakahabol si Benson ng snow. Kahit naman ako maaasar. Pero, tuloy lang sa pag-ukit. Nanggagalaiti ata si Kuya Jexter sa styro, nabali ung isang part. Nagmukha nang friend ni Spongebob yung logo. Cute hehe.

Magbabandang 12 na, kumain muna kami sa Jhen's *bokbok para kina Quel at Irvin.* Mainit, matindi ang sikat ng sun. Walang magawa ang payong ko. Si Carlo, nakatatlong rice. Sana, rice na lang ang inulam din niya (hehe, peace tayo Carlo). Masarap ang ham and egg sa Jhen's, kung hindi lang nilagyan ng ketchup. Ayoko ng ketchup.

Pagkatapos ng isang 1.5 liters ng coke at pakete ng strawberry-filled sunflower crackers, natapos rin kami. Sayang yung kandila ni Kuya Jexter. Pero kaya pa namang irecycle, basta tipunin lang ung mga upos.

Umalis si Benson ng mga 2pm. Pumunta kami sa LFA para sukatin ang goal post. Malaki siya. As in sobra sa estimation. Tumambay kaming 3 sa Freedom Park. Nanlibre si Carlo ng kropek. Mas masarap kumain ng kropek pag may kasama.

Marami kaming napag-usapan. Mula sa hayskul layp, orgs, frat wars, soro wars, lovelife, courtship, lalaki, babae, multo, ESP, marami. Basta marami. Marami akong natutunan sa mga brods ko. Ngayon lang uli ako nakabond sa mga lalaki ng serious (yung isa nga doubtful) at humingi ng payo sa kanila tungkol sa buhay ng babae. Huli ko atang nagawa ito nung 3rd year pa ko at kausap ko ang kabarkada kong si Christian. Ironic, pero nakaka-enlighten.

Love is a phenomenon.

Nakakita ng isang kakaibang shadow si Kuya Jexter sa banda harap namin. Nahalata kong natakot ako kasi lumapit akong lalo sa kanila. Buti hindi nila nahalata. Pangalawang beses, si Carlo naman nakakita. Naramdaman namin ang gutom. From 4:30 pm, lagpas 8:00 na. Nakakamiss ang siomai ng Papu's.

Ayoko nang bumahin sa Papu's. Basta. Dyahe ang nangyari sa akin. Hindi ko na ikukwento. Sa amin na lang tatlo yun. Nagkuwentuhan kami. Mula sa magulang, sa buhay ni Kuya Jexter na tila isang shocking moment, hanggang sa naging inspirational ang topic. It was an blind eye-opener.

Magbabandang 11 na ng gabi. Pagkatapos kumain sa Papu's, nagkuwentuhan uli kami habang nakaupo sa gilid ng Goldilocks. Malamig ang hangin. Pero masarap pa ring makipagkuwentuhan. Hindi nakakasawa. Hindi nakakaumay. Sana hindi matapos ang gabi. Pero may curfew ako sa dorm. Si Carlo uwi pa ng San Pablo. Si Kuya Jexter, sa 4Boys nakatira pero delikado pa rin pag gabi na.

Marami pa rin kaming napag-usapan sa loob ng isang oras na yun. Dumaan si Kwek Kwek Tower na blocmate ni Kuya Jexter. Kaklase ko rin siya nung PE 1 at ngayon sa COMA 104. Magaling siya umarte. Magaling mag-adlib lalo na sa stage. Di ko napansin kasama pala niyang dumaan yung classmate ko sa SPCM 104. Di ko ata siya nabati. Ang labo na kasi ng mata ko.

Bukas aayusin naman ang booth.
Sana hindi masyadong mainit. Masaya mag-stay sa LB pag weekends. The feeling was a phenomenon for me.

Carlo, salamat sa kropek. Benson, ingats sa interview sa Forestry. Kuya Jexter, ipaayos mo na yan sa Aniko (?). =P

Hanggang bukas muli.

Part 2: abangan...




0 comments:

Post a Comment